Home IN PHOTOS NFA nagpamahagi na ng mga bigas sa gitna ng Food Securtiy Emergency

NFA nagpamahagi na ng mga bigas sa gitna ng Food Securtiy Emergency

NAG-IKOT na sa warehouse ng NFA sa Valenzuela si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos ang ceremonial turnover ng NFA rice stocks na ibebenta sa mga LGU kasunod ng deklarasyon ng National Food Security Emergency sa bigas.

Nasa 25,000 metric tons kada buwan ang target na ilabas ng NFA, pero pwede pang tumaas kung kinakailangan.

Ayon kay DA Secretary Tiu Laurel, may P9 bilyong pondo ang NFA ngayong taon upang bumili ng palay mula sa mga magsasaka para mapatatag ang suplay ng mga bigas. EDGAR RABULAN