Home NATIONWIDE Fake SMS para maka-redeem ng points ibinabala ng PAL

Fake SMS para maka-redeem ng points ibinabala ng PAL

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ang publiko laban sa pekeng short message service (SMS) na nagsasabing pinadalhan sila ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na humihimok sa mga receiver na mag-click sa link para i-redeem ang mga regalo at bonus na hanggang P30,000.

Batay sa isang post sa Facebook, ipinakita ng PAL na ang nagsilbing sender, na “PHAirlines,” ay nagpapadala ng SMS na nagsasaad na ang receiver ay may ilang puntos na mag-e-expire agad ngayong gabi.

Ang mga tatanggap ng pekeng SMS ay malinlang na isipin na dapat silang tumugon kaagad upang hindi masayang ang mga puntos at sa gayon ay hinihikayat na i-click ang link upang ma-redeem ang mga inaalok na premyo.

“These messages are fake. They do not come from PAL. Instead, they are part of a scam – a phishing attempt designed to steal your personal information and compromise your data privacy,” ayon sa nasabing airline company.

“We will never send you an SMS message asking you to redeem miles by clicking a link,” saad pa ng PAL.

Ang Mabuhay Miles ay ang frequent flyer program ng PAL na nagpapahintulot sa mga miyembro na makakuha ng mga puntos para sa paglalakbay at iba pang mga reward at benepisyo.

Sinabi ng PAL na ang mga anunsyo ay naka-post lamang sa opisyal na website at Facebook page nito. JR Reyes