MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Korte Suprema na naghain na ng petisyon si Vice President Sara Duterte upang harangin ang impeachment case laban sa kanya.
Sa dokumentong ibinahagi ng Korte, alas-9 ng umaga kahapon, Pebrero 18, naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition ang kampo ni VP Sara.
Hinihiling ni Duterte na magpalabas ang Korte ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction laban sa House of Representatives, kay HOR Secretary General Reginald Velasco, at sa Senado.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Sue Ting, dahil kahapon pa naisampa ang petisyon, hindi na ito naisama sa agenda ng en banc session ng Korte Suprema. Teresa Tavares