Home NATIONWIDE NFA: Rice buffer stock sumampa sa 5-year high

NFA: Rice buffer stock sumampa sa 5-year high

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Food Authority (NFA) na lumago ang rice buffer stock nito sa pinakamataas na antas sa loob ng limang taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng NFA na nakagawa ito ng buffer stock na umaabot sa 7.17 million 50-kilogram bags ng milled rice.

Ito ang pinakamataas na inventory level mula ng magtapos ang 2020, sinuportahan ng mas mataas na palay buying price na umabot sa P27 a kilo noong nakaraang taon at P24 per kilo ngayong taon.

Sa kabila ng mas mataas na stockpile, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na nananatiling may sapat na pondo ang ahensya para bumili ng mas maraming palay.

Ani Lacson, kaya pa ng ahensya na bumili ng 500,000 metriko tonelada ng palay—katumbas ng 6.3 milyong bag ng milled rice.

“So far this year, we’ve spent only P2.6 billion of the P14.6 billion available to us for palay procurement. This includes unspent funds of P5.6 billion carried over from the 2024 budget,” ayon kay Lacson.

Sa ilalim ng binagong Rice Tariffication Law (RTL), may mandato na ngayon ang NFA na panatilihin ang 15-day national rice buffer stock —mula sa dating nine-day requirement— na galing sa local farmers para suportahan ang domestic agriculture.

Sinabi ng NFA na ina-upgrade nito ang kanilang storage infrastructure, kabilang na ang mga bodega at handling facilities para ma-accommodate ang mas mataas na stockpile na 555,000 metriko tonelada ng bigas o 880,000 metriko tonelada ng palay.

Nang unang ipatupad ang RTL noong 2019, may tangan ang NFA na buffer stocks na katumbas ng mahigit sa 492,000 metriko tonelada, karamihan sa mga ito ay binubuo ng imported rice.

Gayunman, ang papel ng NFA ay nagbago sa ilalim ng RTL.

“It is no longer allowed to sell rice directly to the public, a departure from its pre-RTL operations. Its current mandate limits public sales to “aging stocks”—milled rice that has been stored for at least two months since processing,” ayon sa NFA. Kris Jose