SUMABOG na sa galit si Vice President Sara Duterte at pinagmumura nang malutong sina First Lady Liza Araneta Marcos, House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos.
Put…ina nilang tatlo…ang mura ni Duterte.
Hindi masisi si VP Sara kung bakit sumabog na siya sa ngitngit dahil sa kamalasaduhang ginagawa sa kanya ng gobyernong Marcos, lalo nina Romualdez at Araneta na aniya’y nag-tandem upang pabagsakin siya at ang kanyang pamilya.
Nakatikim din sa kanya ng “napakasarap” na mura ang mga tongresista, este, ang mga kongresista na ginagawa ang lahat “sa ngalan ng pera” upang siya ay wakwakin sa Kamara, gamit ang salitang “in aid of lesgislation” kuno.
Ang sabi ng mga tongresista, hindi naman daw nila gusto ang ginagawa laban sa mga Duterte, subalit napipilitan silang sumunod sa utos ng “nakatataas” dahil na rin sa kanilang “pangangailangan” ng pondo para sa nalalapit na eleksyon. Aba’y mga taran…
Sadya talagang “mabubuwang” si VP Sara, ang sabi nga ng kanyang mga kritiko, dahil sa araw-araw na nilikha ng Diyos, wala nang ginawa ang grupo nina Speaker Martin, Liza at Bongbong kundi kulapulan ng dumi ang Office of the Vice President o ang kanyang karakter, gamit ang mga bayaran nilang mambubutas, ehek, mambabatas sa Kamara, kasama na ang ilang mainstream media.
Tila umiikot na lang ang Kongreso sa paghahanap ng mga mali ni VP Sara, pati ng amang si dating Pangulong Duterte. ‘Yun bang dumaan ang sunod-sunod na bagyo, ang pokus pa rin nila ay gibain ang mga Duterte, imbes na hanapan ng solusyon ang problema ng mga kababayan nating sinalanta ng kalamidad.
Sabi nga ni VP Sara, ang ating bansa ay patungo na sa impiyerno dahil sa mga demonyong nakaupo sa gobyerno at sa Kongreso. Wala na aniyang iniisip ang mga demonyong ito kundi pahirapan ang mga Pilipino habang sila ay nagtatamasa sa kapangyarihang ipinahiram lang sa kanila ni Satanas.
Nakapanggigigil at sadyang nakagagalit dahil ang gusto lang naman ni VP Sara ay magtrabaho para sa kapakanan ng taumbayan. Pero hetong mga kampon ni Satanas ay abala sa kung papaano sila “magpapakatuko” para magtagal sa kanilang trono.
Pukaw na n’yo!