IYAN ang malimit na panakot ng ilang mambabatas na kasapi sa House Quad Committee na nagiimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators, Extrajudicial Killings at alleged human rights violations administrasyon Duterte o ibang komite na nag-iimbestiga sa pondo ng Office of the Vice President kapag sa tingin nila ay “nagsisinungaling” ang kanilang resource person na kadalasan ay dahil hindi lamang nila gusto ang sagot.
Minsan na rin ako na warningan ng ganyan ng ilang congressmen sa aking pagharap sa ilang komite na dumidinig ng transportation issues kaya’t alam natin ang pakiramdam ng resource person na kapag ang pahayag natin sa mga kagalang galang na Congressmen ay ayaw nilang sagot.
Balik tayo sa “Quad Comm”. Ang QuadComm ay binuo “to conduct a comprehensive joint investigation into possible connection between illegal POGOs, illegal drugs, EJKs and human rights violations in the course of former President Rodrigo Roa Duterte’s bloody “war on drugs”.
At sa kanilang QuadComm hearings ay may resource speakers na binalaan na “they will be cited in contempt “. May kapangyarihan ba ang mga Congressman “to cite a person in contempt” ang kanilang panauhin? Kamakailan lang ay naging malaking issue ito nang ang isang kawani ng OVP ay inorderan ng ilang Congressmen “to be detained sa women’s correctional facility” dahil na cite in contempt.
Congress has the power to contempt in order to restrain individuals who interfere with its actions. This power is considered inherent and implied. Ibig sabihin bagaman walang nakasaad sa Saligang Batas na may contempt powers ang Kongreso, it is a necessary consequence of Congress’ power to conduct inquiries IN AID OF LEGISLATION.
Article VI Section 21 ng Saligang Batas, “The Senate or the House of Representatives OR ANY OF ITS RESPECTIVE COMMITTEES MAY CONDUCT INQUIRIES IN AID OF LEGISLATION IN ACCORDANCE WITH ITS DULY PUBLISHED RULES OF PROCEDURE. THE RIGHTS OF PERSONS APPEARING IN OR ARE AFFECTED BY SUCH INQUIRIES SHALL BE RESPECTED.
Kaya’t sa isang hearing ng QuadComm, ang dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman at ngayo’y tumatayong abogado ni President Duterte ay nagtanong kung anong panukalang batas ba ang pinag-aaralan sa kongreso upang magkaroon ng imbestigation ang QuadComm.
Pero mukhang ang komiteng ito ay nilikha hindi para bumalangkas ng batas kundi para mag-imbestiga kung may koneksyon ba ang POGO, Illegal Drugs, EJK at Human Rights Violations noong panahon ni Duterte. Hindi panukalang batas ang pakay ng QuadComm kundi imbestigasyon. Kaya nga minsan sinagot ni dating Pangulong Duterte ang isang mambabatas nang “pulis ka ba para mag imbestiga?”
Ang tanong- ang kongreso ba ay maaring mag imbestiga KAHIT NA HINDI IN AID OF LEGISLATION? Pero ‘di ba’t malawak ang “legislative work” at hindi lang pagbabalangkas ng batas ang “legislative work o legislation?
Marami ang nagsasabi na nagiging abusado na ang ilang mambabatas sa nagaganap na Quadcomm hearings at sa budget ng OVP. Depende ‘yan kung ano ang pulitikal na paniniwala mo. Pero ang patas na sagot ay inilatag ng Korte Suprema para maging gabay:
The power of legislative investigations is subject to three limitations:
- THE INQUIRY MUST BE IN “AID OF LEGISLATION”.
- THE INQUIRY MUST BE CONDUCTED WITH ITS DULY PUBLISHED RULES OF PROCEDURES.
- THE RIGHT OF PERSONS APPEARING IN OR AFFECTED BY SUCH INQUIRIES SHALL BE RESPECTED.
Ngayon, para ma-cite in contempt ang isang tao, such person must be “Testifying falsely or evasively” At paano naman madedetermina na ang taong iyon ay nagsisinungaling?
The determination of whether a testimony was false or evasive requires ASSESSMENT OF THE TOTALITY OF EVIDENCE PRESENTED TO DETERMINE WHETHER A WITNESS SPEAKS TRUTHFULLY OR MERELY TRYING TO EVADE ANSWERING THE QUESTION DIRECTLY.
Sinabi rin ng Korte Suprema “the legislative inquiry seeks to aid legislation, NOT CONDUCT A TRIAL OR MAKE AN ADJUDICATION. Thus, the legislative inquiry cannot result in legally binding the privation of a person’s life, liberty or property”.
Sa takbo ng hearings sa Kongreso, hindi kagulat-gulat kung may kampong dumulog sa Korte Suprema para i-challenge ang pag-iimbestiga ng QuadComm at ilang komite dahil mukhang hindi na in aid of legislation ang kanilang ginagawa kundi isang paglilitis. Kailangan na ring idulog sa Korte Suprema kung may grave abuse of discretion ng nagaganap sa mga pandinig lalo na sa pagpapakulong ng ilang resource persons na cited in contempt.
Note: Ang ilang quotation ay galing sa articulo “SC: Senate Committed Grave Abuse of Discretion in Issuing Contempt and Arrest Orders vs Pharmally Resource Persons (November 13, 2023) Full text of G.R. no. 257401 and 257916 (Linconn Uy Ong vs Senate at https://sc.judiciary.gov.ph). Maraming Salamat.