Home ENTERTAINMENT Nico Locco, tukoy na ang girlet na nasa video scandal!

Nico Locco, tukoy na ang girlet na nasa video scandal!

75
0

Manila, Philippines – Salamat sa NBl, natuklasan na kasi ni Nico Locco ang pangalan at tirahan ng babaeng palihim umanong kinunan ng video ang kanilang pagtatalik.

Pinaniniwalaang pinagkakitaan ang kumalat na video scandal.

Saad ni Nico: “Pumunta ako sa NBI, we found out the girl’s real name and we located her.”

Nagtatago daw ito pero wala sa Maynila.

Sa ngayon, hindi pa daw ikinakasa ang aksyon dahil kailangang may kasama pa si Nico para mapalakas ang kaso.

Dapat daw kasama ang iba pang mga biktima.

Napag-alaman din ni Nico na sindikato ang nasa likod ng krimen: “we don’t know who they are.”

Dahil nga sa nangyari, magsasampa pa rin si Nico ng kaso laban sa babae.

Medyo urong-sulong lang siya dahil mas naka-focus siya sa kanyang career.

Sa halip na magalit ay namulat daw ang kanyang mga mata: “It helped me realize that everybody has their reasons why they do things. Hindi ako galit, disappointed lang because she betrayed my trust.”

Moral lesson?

“Don’t trust people so easily. Be more careful lalo’t nasa showbiz ako,” pahayag ni Nico. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here