Home METRO Bagong health development center sa Ilocos, binuksan ng DOH

Bagong health development center sa Ilocos, binuksan ng DOH

48
0

MANILA, Philippines – Binuksan ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health Development, kasama ang Robinsons Land Corporation (RLC) at Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), ang DOH Wellness Center sa Robinsons Place La Union noong Biyernes, Mayo 22, 2026.

Layunin nitong gawing mas malapit, libre, at nakatuon sa pag-iwas ang serbisyong pangkalusugan para sa publiko.

Matatagpuan sa 4th floor ng mall, bukas ang center araw-araw mula 10:00 ng umaga  hanggang 6:00 ng hapon . Dito makakakuha ang mga mamimili, empleyado, pamilya, at publiko ng libreng primary healthcare at preventive services tulad ng:

– BMI assessment at screening sa hypertension, diabetes, at kidney disease

– Counseling para sa healthy lifestyle, family planning, HIV, at mental health

– Konsultasyon sa adult medicine, OB-GYN, pediatrics, ophthalmology, senior care, at nutrition

– Health education at community forums

Ayon kay DOH Undersecretary Glenn Matthew Baggao, ang wellness center ay bahagi ng pagbabago ng sistema ng kalusugan sa bansa—mula sa “treatment” tungo sa “prevention,” at mula sa “hospital-centered” tungo sa “community-centered care.” 

Sinabi niyang sa pamamagitan ng paglalagay ng mga center sa mall, natatanggal ang hadlang sa pag-access sa healthcare at nagiging mas madaling lapitan ang konsultasyon at screening.

Binigyang-diin naman ni Regional Director Sydiongco na ang center ay isang ligtas na lugar kung saan maaaring humingi ng gabay, matuto ng healthy habits, at makakuha ng serbisyo nang walang takot, hirap, o mahabang biyahe. 

Ibinigay ng ITRMC ang suporta ng mga doktor, referral, lab services, patient transport, at tulong sa00 pag-enroll sa PhilHealth YAKAP para sa mga nangangailangan ng mas mataas na antas ng gamutan.

Plano rin ng DOH na magbukas ng katulad na wellness center sa Robinsons Place Laoag City at Robinsons Place Calasiao, Pangasinan bilang bahagi ng nationwide rollout ng mall-based wellness centers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here