MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang kumakalat na video ng mga person deprived of liberty (PDL) na gumagamit umano ng cellphone sa loob ng kulungan.
Ayon sa ulat, kuha umano ang video sa male dormitory ng BJMP District Jail sa Ungka.
Nagsagawa ng greyhound operation ang mga awtoridad ngunit walang nakuhang cellphone. Nagkaroon din ng surprise inspection ang BJMP Regional Office ngunit wala ring nakumpiskang mobile phone.
Sa video, makikita umanong nakikipag-video call ang isang inmate noong Mayo 7, 2026. Ang inmate ay naaresto noon sa buy-bust operation sa Jaro.
Ayon sa BJMP, hihigpitan pa nila ang inspeksyon sa mga bisita at personnel ng kulungan. RNT/MND