MANILA, Philippines- Umakyat na 401 ang mga sinaklolohan ng Philippine Red Cross sa nagpapatuloy na Traslacion sa Maynila nitong Huwebes.
Sa kanilang update bandang ala-1 ng hapon, kabuuang 15 ang kinailangang dalhin sa ospital dahil sa pagduduwal, chest pain, na-dislocate na balikat, pagdurugo ng ilong, panginginig, back pain at hirap sa paghinga.
Kabuuang 215 deboto ang nakaranas ng minor concerns tulad ng neck pain, hyperacidity, pagkahilo, panankit ng ulo, natanggalan ng kuko, sprain, gasgas at iba pa.
Walo naman ang iniulat na major concerns tulad na pagkahilo na may panlalabo ng paningin, pagduduwal, panghihina ng katawan at paninikip ng dibdib.
Samantala, umabot nasa 150 deboto ang sinuri ang vital signs.
Nagsimula ang prusisyon o Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ng alas-4:41 ng umaga ayon sa Quaipo Church. Jocelyn Tabangcura-Domenden