Home NATIONWIDE Record breaking: Global journey sa 195 bansa nakumpleto ng OFW

Record breaking: Global journey sa 195 bansa nakumpleto ng OFW

NAKUMPLETO at nakapagtala ng record ang Overseas Filipino Worker na isang digital nomad, nang matagumpay na naisakatuparan ang pangarap na makabiyahe sa bawat UN-recognized country, kabilang ang Palestine at Vatican City.

Sa kabila ng mga hamong hatid ng pandemya sa nakalipas na mahigit tatlong taon na nakaapekto sa travel blog income, si Kach Medina Umanda ay nagpursige, nagtiyaga, nagtiis st nagsikap bilang tunay na matatag na Filipino overseas worker.

Nauna rito ay nagtrabaho si Kach Medina Umandap
bilang Quality assurance supervisor sa isang Kuwaiti hospital bago nagresign noong 2013 upang bigysn katuparan ang kanyang passion.

Sa pag-ikot ni Kach sa 195 bansa sa buong mundo sa maraming taon, lalong napamahal at napahanga si Kach Medina Umandap sa Pilipinas at Filipino cuisine dahil sa natatanging katangian ng bansa , mga naninirahan dito at maging ang pagkain .

Higit sa lahat, hindi malilimutan ni Kach ang sipag, tiyaga at dedikasyon ng mga OFW sa pagtatrabaho para sa ikauunlad ng pamilya at ekonomiya ng Pilipinas.

Inaasahang mangyayari ang historic homecoming sa papasok na linggo ng First Overseas Filipino Worker (OFW) na matagumpay na nakabiyahe sa buong mundo gamit ang kanyang Philippine passport. RNT