Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Mga lugar sa ilalim ng ‘red category’ sa Eleksyon 2025

ALAMIN: Mga lugar sa ilalim ng ‘red category’ sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Isinailalim na ng Commission on Elections (Comelec) sa “red” category ang kabuuang 38 election areas of concern bago ang 2025 national at local elections (NLE).

Sa inisyal na listahan na ibinahagi ng Comelec, ipinakita na nasa 1,239 lugar sa bansa ang idineklarang election hot spots sa darationg na halalan.

Ayon sa Comelec, kabilang ang mga sumusunod sa mga lugar na isinailalim sa red category o may mga seryosong banta na may kaugnayan sa halalan:

  • Jones, Isabela

  • Maconacon, Isabela

  • Baleno, Masbate

  • Masbate City, Masbate

  • Calinog, Iloilo

  • Santa Margarita, Western Samar

  • Al Barka, Basilan

  • Hadji Mohammad Ajul, Basilan

  • Butig, Lanao del Sur

  • Maguing, Lanao del Sur

  • Marawi City, Lanao del Sur

  • Tubaran, Lanao del Sur

  • Tugaya, Lanao del Sur

  • Bacolod-Kalawi,Lanao del Sur

  • Bayang, Lanao del Sur

  • Binidayan, Lanao del Sur

  • Buadiposo Buntong, Lanao del Sur

  • Marantao, Lanao del Sur

  • Marogong, Lanao del Sur

  • Pualas, Lanao del Sur

  • Saguiaran, Lanao del Sur

  • Cotabato City, Maguindanao del Norte

  • Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Paglat, Maguindanao del Sur

  • Rajah Buayan, Maguindanao del Sur

  • South Upi, Maguindanao del Sur

  • Sultan Barongis Lambayong, Maguindanao del Sur

  • Ampatuan, Maguindanao del Sur

  • Datu Piang, Maguindanao del Sur

  • Datu Salibo, Maguindanao del Sur

  • Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur

  • Mamasapano, Maguindanao del Sur

  • Shariff Saydon Mustapha, Maguindanao del Sur

  • Buluan, Maguindanao del Sur

  • Datu Paglas, Maguindanao del Sur

  • Mangudadatu, Tawi-Tawi

Samantala, kabuuang 177 lugar din ang inilagay sa orange category kabilang ang bayan ng Alcala, Baggao at Gattaran sa Cagayan.

Kabuuang 188 lugar naman ang inilagay sa yellow category habang ang natitirang lugar ay isinailalim sa green category.

Ang mga lugar na nasa green category ay mga lugar na walang security concerns o payapa at maayos para sa pagsasaagwa ng halalan, habang sa yellow areas ay iniulat na may hinihinalang election-related incidents sa nagdaang dalawang halalan kahit pa walang partisipasyon ng domestic terror groups. Ang nasabi ding mga lugar ay dati na ring idineklara sa ilalim ng Comelec control at iniulat na posibleng may presensya ng armed groups at intense political rivalries.

Ang mga orange na lugar ay dapat may kumbinasyon ng dalawa o higit pang mga salik sa ilalim ng kategoryang dilaw; at dapat magkaroon ng malubhang armadong banta na dulot ng mga communist terror groups (CTGs) o iba pang mga banta na grupo.

Samantala, ang mga pulang lugar ay nakakatugon sa mga parameter para sa dilaw at may mga seryosong banta na dulot ng mga CTG o iba pang mga grupo ng pagbabanta.

Dapat ding magkaroon ng mga pwersang panseguridad na tututukan ang pagsubaybay sa mga lugar na ito na may posibilidad ng karahasan at matinding away sa politika sa mga lokal na kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden