Home NATIONWIDE PH gov’t nakapagbigay na ng P164M tulong sa Kanlaon-affected families

PH gov’t nakapagbigay na ng P164M tulong sa Kanlaon-affected families

MANILA, Philippines- Pumalo na ang tulong na naipamahagi ng national government at local counterparts nito sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon noong Dec. 9 sa P163.48 milyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa pinakabagong situation update, sinabi ng konseho na P109.95 milyon ang ipinamahagi sa Central Visayas at P54.53 milyon naman sa Western Visayas.

Kabilang sa ipinaabot na tulong ang family food packs, sleeping at hygiene kits, laminated sacks, modular tents, generator sets, at financial aid.

May kabuuang 9,955 pamilya sa dalawang rehiyon ang nakatanggap ng tulong – 7,493 sa Western Visayas at 2,462 sa Central Visayas.

Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon ay may kabuuang 12,227 pamilyang naninirahan sa 26 barangay sa dalawang rehiyon.

Nasa 4,020 pamilya ang nananatili sa 34 evacuation centers habang 2,351 pamilya ang nakatatanggap ng tulong sa labas ng evacuation centers na ito. RNT/SA