Home NATIONWIDE Ninakaw na kotse nabawi ng QCPD sa Maynila

Ninakaw na kotse nabawi ng QCPD sa Maynila

2
0

MANILA, Philippines – Nabawi ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo ang ninakaw na Honda Sedan sa Malate, Maynila noong Setyembre 28, 2026.

Ayon sa QCPD, ang pagkakabalik ng sasakyan ay bunga ng naiulat na insidente ng nakawan ng sasakyan kung saan ang sasakyan ay kinuha umano nang walang pahintulot ng may-ari ng kanyang driver, na kilala bilang “Rod,” bandang 10:00 ng gabi noong Setyembre 24, 2026, mula sa parking area ng MPlace Tower B, Mother Ignacia, Quezon City.

Matapos matanggap ang ulat, nagpatuloy sa pangangalap ng impormasyon at beripikasyon ang District Anti-Carnapping Unit (DACU) na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel HECTOR ORTENCIO upang mahanap ang sasakyan.

Bandang 1:00 ng madaling araw noong Setyembre 28, 2026, nakatanggap ang mga operatiba ng impormasyon na nakita ang sasakyan sa Malate, Maynila.

Agad silang nagtungo sa lugar at natagpuan ang sasakyan na nakaparada nang walang nagbabantay sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Ang narekober na sasakyan ay dinala sa opisina ng DACU para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

“Agad naming inaksyunan ang reklamo at sinundan ang impormasyong nakalap ng ating mga operatiba hanggang sa matagpuan at mabawi ang sasakyan. Patuloy naming paiigtingin ang ating anti-carnapping operations upang matiyak ang mabilis at maagap na pagtugon sa mga ganitong insidente,” sabi ni PBGEN OLAZO.

Sinabi sa ulat na ang narekober na sasakyan ay dinala sa opisina ng DACU para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

“Agad naming inaksyunan ang reklamo at sinundan ang impormasyong nakalap ng ating mga operatiba hanggang sa matagpuan at mabawi ang sasakyan. Patuloy naming paiigtingin ang ating anti-carnapping operations upang matiyak ang mabilis at maagap na pagtugon sa mga ganitong insidente,” sabi ni PBGEN OLAZO. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here