Home NATIONWIDE Niño Muhlach umaming nakatulog bago araruhin mga tindahan sa Antipolo

Niño Muhlach umaming nakatulog bago araruhin mga tindahan sa Antipolo

1
0

MANILA, Philippines — Inako ng aktor na si Niño Muhlach ang pananagutan sa aksidenteng ikinasugat ng isang tao at ikinasira ng ilang establisimyento sa Marcos Highway, Antipolo City noong Linggo.

Ayon sa ulat ng “24 Oras,” tumawid sa kabilang lane ang minamanehong SUV ni Muhlach bago bumangga sa tatlong tindahan, kabilang ang isang kainan. Isang motorsiklo rin ang nahagip at naipit sa ilalim ng sasakyan.

Unang sinabi ng pulisya na posibleng nagkaproblema ang makina kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang aktor. Gayunman, itinanggi ito ni Muhlach sa kanyang pahayag sa Instagram.

“I want to be completely clear and honest: the accident was entirely my fault,” ani Muhlach.

Inamin niyang nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa matinding pagod mula sa kanyang trabaho.

“Due to an extremely demanding and exhausting schedule, I fell asleep behind the wheel,” aniya.

Sinabi ng aktor na day off noon ng kanyang regular driver kaya siya mismo ang nagmaneho. Iginiit niyang hindi dahilan ang pagod sa nangyari.

“While fatigue overtook me, that is no excuse. Falling asleep at the wheel led directly to hitting a pedestrian and damaging nearby establishments,” dagdag niya.

Ayon sa ulat, nakipag-ayos si Muhlach sa mga may-ari ng mga napinsalang establisimyento at sinagot ang gastusing medikal ng nasugatan.

“I take full personal and legal responsibility for what happened,” ani Muhlach, sabay sabing nakikipagtulungan siya sa mga awtoridad at babayaran ang pinsala sa mga naapektuhan.

Hindi pa malinaw kung may isasampang reklamo kaugnay ng aksidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here