Home NATIONWIDE Nirerepak na panis na produkto para ibenta ulit nasawata sa Laguna

Nirerepak na panis na produkto para ibenta ulit nasawata sa Laguna

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang isang establisimyento sa Biñan, Laguna, na umano’y nagre-repack at muling nagbebenta ng expired na mga produkto sa mas murang halaga.

Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ang gatas, pasta, tsokolate, inumin, at mga sabon.

Natuklasan din ng mga imbestigador na may mga trak mula sa iba’t ibang pamilihan na nagdadala ng mga expired na produkto sa nasabing establisimyento.

Wala ang may-ari ng tindahan nang isagawa ang pagsalakay, ngunit ipatatawag siya ng pulisya upang alamin kung sino ang dapat managot sa iligal na gawain. RNT