Home METRO No fly zone, signal jamming ipatutupad sa Traslacion 2024 – PNP

No fly zone, signal jamming ipatutupad sa Traslacion 2024 – PNP

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Enero 3, na ipatutupad nito ang “no fly zone” policy kasabay ng signal jamming upang masiguro ang kaligtasan sa gaganaping Traslacion sa lungsod ng Maynila.

“It will be a no fly zone,” pahayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Nang tanungin kung gagamit ba ng signal jammer ang pulisya sa Enero 9, sinabi ni Acorda na naka-depende ito sa desisyon ng liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

“Kasama din sa contingencies. Depende sa decision ng [Regional Director] because the overall supervisor will be the RD NCRPO, but we will be supporting them kung ano man ang requirements,”aniya.

Ang pahayag ni Acorda ay kasunod ng pinakahuling pagpupulong kasama si Executive Secretary Lucas Bersamin, mga opisyal ng concerned agencies, at Church officials para sa papalapit na Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa PNP chief, “satisfied” si Bersamin sa briefings na may kaugnayan sa Traslacion. Sinabi rin ng PNP na wala silang namomonitor na anumang banta sa event.

Magpapatupad ang mga awtoridad ng mahigit na restriksyon sa controlled areas sa harap ng Quiapo Church, maging sa mga kalsadang nakapalibot sa simbahan. RNT/JGC

Previous articleMahigit 100 katao patay sa kambal na pagsabog sa Iran
Next articleDOJ sang-ayon sa Rules on Anti-Terror Law