IRAN – Patay ang mahigit 100 katao sa kambal na pagsabog na dulot ng “terrorist attacks” sa seremonyang idinaraos bilang pag-alala sa top commander ng Iran na si Qassem Soleimani.
Unang iniulat ng Iranian state television ang una at ikalawang pagsabog sa anniversary event sa sementeryo kung saan nakalibing si Soleimani, sa southeastern city ng Kerman.
“Two explosive devices planted along the road leading to Kerman’s Martyrs’ Cemetery were detonated remotely by terrorists,” sinabi ng isang opisyal sa state news agency na IRNA.
Naunang iniulat ni Babak Yektaparast, spokesperson ng Iran emergency services, na mayroong 73 katao ang nasawi sa pag-atake at 170 ang sugatan. Kalaunan ay sinabing mahigit 100 katao na ang nasawi.
“A terrible sound was heard there, despite all the security and safety measures. We are still investigating,” ayon kay Reza Fallah, pinuno ng Kerman Red Crescent Society, sa panayam ng state television.
“We are now evacuating the wounded and injured in the area. The crowd is huge and the job is quite hard all the paths to there are blocked,” dagdag pa ni Fallah.
Si Soleimani ay napatay sa drone attack na inilunsad ng US sa Baghdad airport.
Siya ay chief commander ng elite Quds force, overseas arm ng Iran Revolutionary Guard Corps (IRGC). RNT/JGC