Home NATIONWIDE Pagkaantala sa PSE trading dulot ng technical issue

Pagkaantala sa PSE trading dulot ng technical issue

MANILA, Philippines – Technical issue ang dahilan ng pagka-antala ng kalakalan sa Philippine stock market nitong Miyerkules ng umaga, Enero 3.

Sa update, sinabi ng Philippine Stock Exchange Inc. (PSE) na ang local bourse ay nakaranas ng technical issue dahilan para ipatigil ang trading ng 9:32 ng umaga.

Naibalik naman ito ng 11:56 a.m., at nagpatuloy ang afternoon trading sa orihinal nitong schedule na ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.

“PSE and its third-party front-end system provider continue to investigate the matter to identify the root cause,” ayon sa PSE.

Nitong Miyerkules, nagbukas ang benchmark PSE index (PSEi) sa 6,539.81, mababa ng 14.23 points, o 0.22%. RNT/JGC

Previous articleP50 minimum fare sa modern jeepneys, ibinabala ng grupo
Next articleMahigit 100 katao patay sa kambal na pagsabog sa Iran