Home NATIONWIDE No impeachment laban kay VP Duterte – solons

No impeachment laban kay VP Duterte – solons

MANILA, Philippines- Nilinaw ni House Deputy Speaker David Suarez na walang impeachment na iniuumang sa House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Suarez sa harap na rin ng naging pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na katumbas na ng betrayal to public trust bilang isang elected official ang ginagawang pag-isnab ni VP Sara sa deliberasyon ng Kamara sa budget ng Office of the Vice President.

Si VP Sara ay hinintay ng mga mambabatas hanggang alas-3 ng madaling araw noong Martes sa kasagsagan ng ginagawang budget deliberatios subalit hindi nakadalo ang Pangalawang Pangulo.

Sinabi ni Suarez na kanilang nauunawaan si Manuel sa kanyang naging “frustration” sa hindi pagsipot ni VP Sara sa pagtalakay ng OVP budget .

“I totally understand where Congressman Manuel is coming from, the frustration that he has felt in the past few weeks with regards to the issues confronting the Office of the Vice President, with regards to their funds, fund management, and how it was utilized and much more yesterday that the OVP was scheduled for plenary discussions,” pahayag ni Suarez.

“I mean, personally I’m disappointed. I mean I would have expected more. I mean this is such an important part in the budgetary process, and if you can see and if you have seen in the past few days, weeks, secretaries are here waiting for more than 10 hours just so that their department’s [budget] can be presented in plenary,” dagdag pa nito.

Gayundin ang pagtiyak ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun, aniya, walang anumang impeachment ang pinag-uusapan sa Kamara, ang tanging pinag-uusapan umano ay matapos ang deliberasyon at maipasa sa tamang oras ang General Appropriations Bill.

“We respect the Office of the Vice President and we are giving much leeway to our VP for her to visit the House to defend their budget,” pahayag ni Khonghun.

Noong Agosto 27, unang sumalang sa briefing si VP Sara para sa OVP budget subalit hindi na ito nakadalo sa sumunod na pagdinig noong Setyembre 10 at sa plenary debates noong Setyembre 23.

Nasa P2.037-billion budget ang nasa ilalim ng National Expenditures Program para sa OVP subalit nagdesisyon ang Kamara na bawasan ito dahil na rin sa kabiguan ni VP Sara na ipaliwanag ang mga gastusin ng ahensya.

Naging isyu din ang low utilization sa OVP budget kung saan natukoy ang Magnegosyo Ta Day program na may P600,000 million na pondo subalit P150,000 milyon lamang ang nagamit haggang 2023. Gail Mendoza