Home HOME BANNER STORY ‘No moon sighting’: Eid’l Fitr ipagdiriwang sa Marso 21

‘No moon sighting’: Eid’l Fitr ipagdiriwang sa Marso 21

159
0

MANILA, Philippines – Idaraos ng mga Muslim sa Pilipinas ang Eid’l Fitr sa Sabado, Marso 21, 2026, matapos ideklara ng Bangsamoro Grand Mufti na hindi namataan ang buwan sa isinagawang moon sighting sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Inihayag ni Sheikh Abdulrauf Guialani ang pasya nitong Huwebes kasunod ng obserbasyon sa crescent moon.

“By the authority vested in me as the Bangsamoro Mufti, I, Abdulrauf Guialani, hereby announce that the crescent moon was not sighted. Therefore, Eid’l Fitr and the first day of Shawwal will be on Saturday, March 21, 2026,” the grand mufti said.

Mananatiling regular holiday ang Marso 20, 2026, alinsunod sa naunang deklarasyon ng Malacañang.

Ang Eid’l Fitr ang unang araw ng Shawwal, ang ika-10 buwan sa Islamic calendar o Hijri, at hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Mahalaga ang moon sighting sa pagtukoy ng simula ng bagong buwan, kaya nagkakaiba-iba ang petsa ng Ramadan at Eid’l Fitr sa iba’t ibang bansa depende sa lokal na obserbasyon.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr sa loob ng tatlong araw, na sinisimulan sa panalangin sa mosque sa umaga, kasunod ang pagtitipon ng pamilya at pagbabahagi ng pagkain at regalo.

Samantala, mas maagang ipagdiriwang ang Eid’l Fitr sa ilang bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Qatar, at Bahrain sa Biyernes, habang kasabay ng Pilipinas ang Malaysia at Brunei sa pagdiriwang sa Sabado. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here