Home HOME BANNER STORY No talks ukol sa magiging kapalit ni VP Sara sa gitna ng...

No talks ukol sa magiging kapalit ni VP Sara sa gitna ng impeachment trial — Malakanyang

4
0

MANILA, Philippines – Hindi man lang sumagi sa isipan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibleng magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial.

“Hindi po naiisip ng Pangulo yan, sa totoo. Hindi po napag-uusapan. Sa ngayon, kahit kami ay nag-me-meeeting, hindi napag-uusapan ang impeachment,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang panayam.

“Ang nais lang po talaga niya ay due process,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, sinabi ni Castro na hindi pakikialaman ng Malakanyang ang desisyon ni VP Sara na manatili sa puwesto sa kabila ng kinahaharap na impeachment trial at mga alegasyon laban sa kanya.

Ani Castro, sariling desisyon ng bise presidente kung magbibitiw ito sa puwesto o hindi.

Gayunman, iginiit ni Castro na wala ring karapatan si Duterte na hilingin ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya ay nakatuon sa pagtatrabaho at kapakanan ng bansa at ng mga Pilipino.

“Kung hindi po siya magre-resign, desisyon niya po ‘yan. Walang manghihimasok diyan. Pero ang pagsasabi niya na mag-resign ang Pangulo, ‘yan ay malaking kalokohan,” ang sinabi ni Castro.

Itinanggi rin ni Castro ang mga paratang na may lihim na kasunduan ang pangulo sa mga dayuhan para ipagkanulo ang interes ng bansa.

Tinawag naman ng opisyal na kalokohan ang panawagan ni Duterte na magbitiw sa puwesto ang Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here