Home METRO Nobyo ng dalagang ibinaon sa buhanginan sa Pangasinan, inaresto

Nobyo ng dalagang ibinaon sa buhanginan sa Pangasinan, inaresto

PANGASINAN – Inaresto ang nobyo ng pinaslang na 20-anyos na college student na inilibing sa buhangin sa dalampasigan sa Lingayen, Pangasinan na siyang kinokonsiderang suspek ng pulisya sa krimen.

Ayon sa pulisya na sumentro ang imbestigasyon nila nobyo ng biktimang si Evalend Salting, na mula sa Anda, Pangasinan, bunsod sa nakitang palitang mensahe ng dalawa.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Amor Mio Somine, Officer in Charge, Lingayen Police, base sa palitan ng mensahe, nakita doon na mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Isa ring kaibigan ang lumutang at nagsabing nasaksihan ang krimen at ininguso ang suspek na siya namang tumanggi sa krimen.

Ayon din kay Rea Bacarizas, caretaker sa apartment, nakikita nila na umaalis sa gabi ang biktima na sinusundo ng nobyo pero bumabalik din umano bago sumapit ang 10:00 p.m.

Hindi nakapasok sa klase ang biktima kinabukasan matapos na umalis ng apartment kaya idineklara siya ng mga kaanak na nawawala.

Hanggang sa aksidenteng madiskubre ng isang pamilya na naglalakad beach ang katawan nito na natatabunan ng buhangin. RNT