Home TOP STORIES NoKor, di pa handang makipag-usap sa US, Japan at SoKor

NoKor, di pa handang makipag-usap sa US, Japan at SoKor

63
0

SINGAPORE – Naniniwala si Singaporean Foreign Minister Vivian Balakrishnan na hindi pa handa ang North Korea na makipag-usap sa Japan, United States, at South Korea sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi ni Balakrishnan matapos ang kanyang pagbisita sa Pyongyang bilang bahagi ng kanyang biyahe sa China at dalawang Korea. Ayon sa kanya, mas nakatuon ngayon ang North Korea sa pagpapalakas ng sariling kakayahan at depensang militar kaysa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

“I would say what’s clear is that they’re certainly in a closer relationship now with Russia. China remains indispensable to it, but they are not yet ready to open up significant channels of communication with the United States or with ROK and Japan at this point in time,” aniya.

Sa kanyang unang pagbisita sa North Korea mula noong 2018, nakipagpulong si Balakrishnan kay Choe Son Hui at nagkasundo silang higit pang palakasin ang ugnayan ng kanilang mga bansa.

Bago ang pagbisita sa Pyongyang, nakipagpulong din siya kay Chinese top diplomat Wang Yi sa Beijing at kay Cho Hyun sa Seoul.

Ayon kay Cho, ipinaabot ng South Korea sa North Korea, sa pamamagitan ni Balakrishnan, ang kahandaan nitong makipagdiyalogo. Gayunman, sinabi niyang wala pang malinaw na senyales na handa nang bumalik ang Pyongyang sa usapang diplomatiko.

Inanyayahan din ni Balakrishnan si Choe na dumalo sa ASEAN Regional Forum (ARF), na gaganapin ngayong taon sa Philippines. Aniya, mahalagang marinig ang boses ng North Korea sa pandaigdigang entablado.

Matatandaang huling dumalo ang foreign minister ng North Korea sa ARF noong 2018, taon din nang idaos sa Singapore ang unang summit nina North Korean leader Kim Jong Un at U.S. President Donald Trump. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here