Home NATIONWIDE NoKor nagpakawala ng ballistic missile sa East Sea

NoKor nagpakawala ng ballistic missile sa East Sea

NORTH KOREA – Naglunsad ang North Korea ng ballistic missile nitong Lunes, Enero 6 sa East Sea.

“North Korea sent unknown ballistic missile towards East Sea,” sinabi ng militar ng South Korea.

Ang paglulunsad ng ballistic missile ay kasabay ng nagpapatuloy na usapin at pagbisita ni outgoing US Secretary of State Antony Blinken sa Seoul.

Ang ballistic missile launch ng Pyongyang ay kauna-unahang ngayong taon kung saan ang huli ay noong Nobyembre nang i-test fire nito ang kanilang most advanced at makapangyarihang solid-fuel intercontinental ballistic missile (ICBM). RNT/JGC