NORTH KOREA – Sinapul ng major internet outage ang North Korea na tumagal ng ilang oras nitong Sabado, Hunyo 7, dahilan para mawalan ng koneksyon ang mga government web site at official news services online.
Bagamat hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng outage, posible anila na ito ay internet na dahilan sa halip na isang cyberattack, dahil apektado rin ang koneksyon sa pamamagitan ng China at Russia.
Kabilang sa mga hindi ma-access sa naturang outage ay ang main official news services ng North Korea, ang Foreign Ministry, at Air Koryo national airline.
Makalipas ang ilang oras ay unti-unti namang naibalik ang serbisyo ng internet sa nasabing bansa.
“Hard to say if this is intentional or accidental – but seems like this is internal rather than an attack,” ayon kay Junade Ali, isang U.K.-based researcher na nagmomonitor ng North Korean internet. RNT/JGC