MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang high-profile na puganteng Japanese national, at hinihinalang lider ng notoryus na transnational crime syndicate na nag-ooperate sa Asya, kasabay ng operasyon sa Angeles City, Pampanga, sinabi ng Bureau of Immigration (BI).
Anang BI, naaresto ang Japanese national na si Ryuji Yoshioka, 54, was ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) noong Miyerkules, Hunyo 4.
Si Yoshioka ang pinuno umano ng JP Dragon Syndicate, isang criminal organization na naka-base sa Japan at nasa likod ng large-scale theft at telecom fraud schemes na may operational bases sa Southeast Asia.
Iniuugnay ang grupo sa network ng illicit activities at nakapambiktima ng napakaraming indibidwal at milyon-milyong criminal proceeds.
Batay sa pakikipag-ugnayan ng BI sa pamahalaan ng Japan, si Yoshioka ay may aktibong warrant of arrest sa pagnanakaw sa ilalim ng Japanese Penal Code at idineklarang pugante.
“This individual is a key player in an international crime group. His arrest sends a clear message that the Philippines is not a safe refuge for fugitives,” sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
Batay sa rekord ng BI, si Yoshioka ay dumating sa Pilipinas noong 2022 at hindi na umalis pa.
Kasunod ng pagkaka-aresto, isinailalim ang big boss sa karaniwang booking procedures, at itinurn-over sa warden facility ng BI.
“Yoshioka’s arrest is a testament to our commitment to uphold justice and protect the Philippines from becoming a haven for international fugitives. We will not allow criminals fleeing justice in their own countries to hide within our borders,” ani Viado. RNT/JGC