NORTH KOREA – Inamin ng North Korea na palpak ang unang beses nitong paglulunsad ng
military reconnaissance satellite sa labas ng mundo.
Ito ay makaraang pakawalan nga ng nasabing bansa ang kanilang satellite nitong Miyerkules, Mayo 31 dahilan para magtunugan ang emergency alert sa Japan at South Korea.
Sa kabila ng pag-amin ng Pyongyang, nangako ito na magsasagawa ulit sila ng isa pang launch “as soon as possible.”
Ayon sa ulat ng state-run Korean Central News Agency, inilunsad ng National Aerospace Development Administration ng North Korea ang kanilang spy satellite Malligyong-1 sa pamamagitan ng bagong develop na space launch vehicle na Chollima-1.
Ang pahayag ng North Korean state media ay inilabas bandang 9:05 ng umaga na ikinukunsiderang mabilisan ngunit hindi kagulat-gulat, sa pagsasabing may aksidenteng nangyari kasabay ng launch matapos ang unang bahagi ng paghihwalay ng launch vehicle.
Sa paglulunsad ng satellite, naitala ng South Korea ang projectile nito mula sa Tongchang-ri, North Pyongan Province, bandang 6:29 ng uaga at lumipad sa kanluran ng South Korean island ng Baengnyeongdo, Incheon, dahilan para tumunog ang air raid siren sa bansa.
“The launch vehicle descended with abnormal flight into the sea approximately 200 kilometers west of the island of Eocheongdo in the West Sea,” ayon sa South Korea Joint Chiefs of Staff said, sabay-sabing may nakita silang pinaniniwalaang bahagi ng satellite sa isang isla sa North Jeolla Province bandang 8:05 ng umaga.
Mahigpit namang kinondena ng US Indo-Pacific Command ang satellite launch bilang “brazen violation of multiple unanimous UN Security Council resolutions.” RNT/JGC