Home METRO Nones, Cruz nabasahan na ng sakdal

Nones, Cruz nabasahan na ng sakdal

MANILA, Philippines- Itinuloy ang pagbasa ng sakdal at pre-trial laban sa dalawang akusado sa kasong rape through sexual assault na isinampa ng aktor na si Sandro Muhlach.

Ito ay matapos ibasura ng Pasay RTC ang motion to quash nina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sinabi ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Jojo Nones at Richard Cruz, na naghain ng not guilty plea ang dalawa.

Sinabi ng legal counsel na patuloy na inilalaban nina Nones at Cruz ang kaso upang patunayan na wala silang pagkakasala.

Samantala, ikinagalak ni Muhlach ang naging desisyon ng Pasay Regional Trial Court 114 na ibasura ang motion to quash.

Iginiit din ng aktor na ilalaban niya hanggang dulo ang kaso kahit naghain ng not guilty plea ang dalawa. Teresa Tavares