Sa mga nagbabalak mag-relax by spending time at a resort, magsilbing babala ang masaklap na nangyari sa mga na-scam.
Inalerto na ni Pokwang ang NBI para tugisin ang mga tao sa likod ng pag-aalok sa kanyang bahay sa Antipolo.
“Sunnyside Resort” ang pang-engganyo ng mga scammer, gamit ang bahay ni Pokwang.
Sa katunayan, wala namang resort ang bahay ng komedyana.
Ang masaklap, ‘yung ibang mga kumagat sa offer ay nakapagbigay na ng down payment para sa kanilang renta roon.
Ayon mismo kay Pokwang, December 2024 noong magsimulang dagsain ang bahay niya sa Antipolo ng mga nakapagpa-book doon sa pag-aakalang legit ang Sunnyside Resort.
Aabot daw ng maximum of five o limang katao ang araw-araw na kumakatok sa bahay niya.
Ikinatakot tuloy ni Pokwang ang seguridad ng kanyang pamilya dahil sa kagagawan ng mga gusto siyang pagnakawan o lokohin sa pera.
Sa ngayon ay nakatimbre na sa NBI ang nadiskubreng modus operandi na ito.
Bukod sa kanyang Antipolo property, up for sale ang ari-arian ni Pokwang sa Camaya sa Bataan na may swimming pool. Ronnie Carrasco III