Home NATIONWIDE Norwegian national utas sa nakaparadang truck

Norwegian national utas sa nakaparadang truck

LA UNION- Tigok ang isang 39-anyos na lalaking Norwegian Citizen matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa likuran ng nakaparadang Isuzu trailer truck sa Brgy. San Martin, Bacnotan ng lalawigang ito kaninang 12:30 ng madaling-araw.

Ayon sa mga otoridad, ang naturang Norwegian Citizen ay may asawa, naninirahan sa naturang bayan.

Minamaneho nito ang Yamaha YBR 125G at bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar.

Pagdating nito sa pinangyarihan ng insidente, aksidenteng bumangga ang kanyang motorsiklo sa likuran ng nakaparadang trailer truck sa outer lane sa eastern portion ng highway.

Resulta nito, nagtamo ng mga malulubhang sugat sa katawan ang driver ng motorsiklo at isinugod ito sa Bacnotan District Hospital.

Gayunman, hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor ang buhay ng naturang Norwegian Citizen. Rolando S. Gamoso