Home NATIONWIDE PBBM, Biden, Ishiba trilateral call, iniurong ng isang araw

PBBM, Biden, Ishiba trilateral call, iniurong ng isang araw

MANILA, Philippines – HINDI na matutuloy ngayong araw, Enero 12, araw ng Linggo ang nakatakda sanang virtual meeting o “trilateral phone call” sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., outgoing United States (US) President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba.

“The Trilateral Leaders’ Phone Call with the US President, the Prime Minister of Japan, and the President of the Philippines has been moved to 7am on Monday, January 13,” Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez.

Ang dahilan ani Chavez ay dahil sa nagpapatuloy na wildfires sa Los Angeles.

“It was conveyed that this was due to the ongoing wildfires in Los Angeles,” ani Chavez.

Sa kabila nito, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Malakanyang ang agenda at iba pang impormasyon ukol sa nasabing pagpupulong.

Ang napipintong pagpupulong ay kasunod ng trilateral summit na idinaos sa Washington noong nakaraang taon, kung saan tinalakay ng mga lider ng Estados Unidos, Japan, at Pilipinas ang malawak na sakop ng mga usapin kabilang na ang ‘security cooperation, infrastructure development, at regional economic resilience.’

Nagsagawa rin ang tatlong bansa ng multilateral maritime cooperative activity noong Disyembre ng nakaraang taon sa layunin na ipakita ang joint commitment na pangalagaan ang international waters at tiyakin ang free navigation sa Indo-Pacific region sa gitna ng tumataas na tensyon sa South China Sea. Kris Jose