LA UNION-Sugatan ang limang katao matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang Chevrolet Trailblazer sa Brgy. Amontoc, San Gabriel ng lalawigang ito kahapon, Enero 11.
Ayon sa mga otoridad, ang mga sugatan sa naturang insidente ay 27-anyos na lalaki na residente ng 12th Butihin St., Concepcion Marikina City, na driver ng kulay itim na Chevrolet Trailblazer; 30-anyos na lalaki na call center agent na residente ng Sto. Niño, Marikina City; 26-anyos na lalaki na Civil Engineer na residente ng Parang , Marikina City; 33-anyos na lalaki na designer na residente ng Tumana, Marikina City; at 30-anyos na lalaki na residente ng Concepcion, Marikina City.
Nabatid na bumibiyahe ang naturang sasakyan papuntang west-north direction sa barangay road sa naturang lugar.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, namiskalkula sa pagmamaniobra ang driver hanggang sa mahulog sa bangin ang naturang sasakyan.
Isinugod ang mga biktima sa Municipal Health Unit sa naturang bayan ng mga rumespondeng personnel ng San Gabriel MPS. Rolando S. Gamoso