Home METRO Notoryus karnaper sa Cagayan, isinelda

Notoryus karnaper sa Cagayan, isinelda

ILAGAN CITY, Isabela – Isinelda ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang notoryus na Top 5 Provincial Most Wanted Person (MWP) sa pamamagitan ng intelligence-driven operation sa Cagayan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) Cagayan at Regional Highway Patrol Unit 2 (RHPU 2), naaresto ang isang Most Wanted Person na may kasong carnapping sa isang operasyon sa Solana, Cagayan.

Ang pag-aresto ay isinagawa alinsunod sa Warrant of Arrest (WOA) sa ilalim ng Criminal Case Number 24-1082, na inilabas ni Hon. Presiding Judge Analie B. Oga-Brual ng RTC Branch 276, Muntinlupa City laban sa suspek, 23-anyos na lalaki mula sa Muntinlupa City.

Pinuri ni PNP-HPG Director PBGen Eleazar P. Matta ang matagumpay na operasyon at sinabing, “Ang pag-arestong ito ay patunay ng ating walang tigil na kampanya laban sa mga kriminal na sangkot sa mga pagnanakaw ng sasakyan. Patuloy tayong magsusumikap upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.”

Pansamantala nasa kustodiya ng Cagayan PHPT ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO