Home NATIONWIDE VP Sara inaasahang makababalik ng bansa ngayong linggo

VP Sara inaasahang makababalik ng bansa ngayong linggo

MANILA, Philippies – INAASAHAN na magbabalik-Pinas na si Vice President Sara Duterte anumang araw ngayon matapos dumalo sa thanksgiving event kasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong weekend sa Hong Kong.

Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na plano kasi ni VP Sara na dumalo sa 88th Araw ng Dabaw festivities sa Marso 16 hanggang 17 sa Davao City.

Gayunman, hindi naman nagbigay ang OVP ng eksaktong petsa ng pagbabalik ni VP Sara sa bansa.

Si VP Sara ay lumipad patungong Hongkong nito lamang weekend para sa pagtitipon ng mga OFWs. Kasama ni VP Sara sa nasabing event ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte, pati na rin ang ilang kandidato ng PDP Laban.

Matatandaan na sinabi ni VP Sara na handa na ang kanyang mga abogado sakali’t isangkot siya sa ICC probe.

Sinabi pa niya na haharapin niya ang anumang akusasyon na ididikit laban sa kanya hinggil sa Davao Death Squad (DDS) kung ipag-uutos ng korte, ikinalungkot naman niya na nang maging pangalawang pangulo siya ng bansa ay biglang idinawit na ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na grupo.

“Haharapin ko ang anumang akusasyon laban sa akin . But I will only face any charge against me before a Filipino judge — and only before a Filipino court,”ang sinabi ni VP Sara. Kris Jose