Home NATIONWIDE NP nananatiling pinakamalakas na partido sa Las Piñas

NP nananatiling pinakamalakas na partido sa Las Piñas

NANANATILI ang Las Piñas City na baluwarte ng Nacionalista Party (NP) na may 2 senador, isang congresswoman at nasa hanay nito ang karamihan sa mga halal na lokal na opisyales.

Ipinahayag ni two-term Sen. Cynthia A. Villar na patuloy na “force to reckon with” ang NP, ang pinakamatagal na political party sa Pilipinas at Southeast Asia simula pa noong panahon ng kanyang ama- Dr. Filemon Aguilar; na nagsilbing mayor ng Las Pinas noong 1964 -1986 at Congressman ng Las Piñas-Muntinlupa noong 1987-1992.

Kasakukuyang senador sina Cynthia Villar at Mark Villar samantalang si Deputy Speaker Camille Villar ang kinatawan ng nag-iisang district ng Las Piñas.

Dating House Speaker at Senate President si Manny Villar na Pangulo ng NP. Siya rin ang pinakamayaman sa buong bansa.

Karamihan sa mga kasalukuyang local officials ng Las Piñas ay kabilang sa partido.

Kamakailan, nakipag-alyansa ang NP sa Partido Federal ng Pilipinas ni President Ferdinand Marcos Jr. na magpapalakas sa presensiya nito sa 2025 midterm elections.

Patuloy ang suporta ng Las Piñeros sa mga Villar base na rin sa resulta ng 2019 local elections kung saan nanalo si Camille Villar sa unang pagtakbo.

Nakakuha siya ng 173, 917 boto na mas mataas pa sa pinagsamang boto ng nanalong mayor at vice mayor.

Noong 2022, muling nanalo si Camille Villar bilang Las Pinas Representative na may 130,812 votes, higit na mataas sa pinagsamang boto ng mayor at vice mayor.
Sinabi ni Cynthia Villar na magtatapos ang termino sa 2025, iniisip pa niyang kumandidato sa ibang posisyon.

Naging congresswoman siya ng Las Piñas sa 3 termino mula 2001-2010, kung saan chairperson siya ng Committee on Higher and Technical Education noong 13th at 14th Congress. Pangulo rin siya ng Lady Legislators noong 12th, 13th at 14th Congress.

Nanguna siya sa Legislation na nagbigay benepisyo sa mga kababaihan, bata at pamilya.

Nag-No. One senator siya nang tumakbo noong 2019.

Nakakuha siya ng 25.2 million votes. Chairperson siya ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reformat Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change.

Sabi ni Cynthia Villar “it is no wonder why the NP and Villars continue to enjoy the support of Las Piñeros. The family’s established reputation for competence, its extensive national network and political alliances, as well as its deeply-rooted relations with the communities are all important in addressing local needs.” Dave Baluyot