Home OPINION PALIT-MATA PWEDE NA

PALIT-MATA PWEDE NA

212
0

GUSTO mo bang magpalit ng mata o makipagpalitan ng mata?

‘Yun bang, mata ng tao sa tao ang palitan.

At buhay na buhay dahil mata nga ng tao ang magpapalitan.

Kapag ayaw mo, halimbawa, ang itim sa gitna at gusto mo ang blue o green, pwede ka nang makipagpalitan.

Pero sa mga susunod na panahon lang ito na parang nagpapalit ka lang ng dolyar o lapad sa piso.

O kaya’t nagpapalit ng saging sa kamote.

Ang mahalaga, successful na ang pagpapalit ng mata na tao sa tao.

Hindi katulad noon na mata ng hayop ang inieksperimento na ipalit ngunit nagkukuyokot o nasisira habang nagtatagal.

Ang prosthetic o plastic acrylic, wala namang tsansang makakita muli ang meron nito dahil wala itong buhay.

NASIRANG MATA AT KALAHATING MUKHA

Sa New York, United States, nagawa ang eye transplant o pagpapalit ng mata, kasama ang kalahating mukha.

Si Aaron James ang ginawan ng face at eye transplant makaraan itong masiraan ng kalahating mukha at mata habang nagtatrabaho bilang utility man sa isang high voltage na kuryente.

Isinagawa ang operasyon sa kanya sa NYU Langone Health noong 2021.

Pang-19 nang face transplant at unang eye transplant ang isinagawa kay James sa buong mundo.

Makaraan ang isang taon, nanatiling normal ang itinanim sa kanya na mukha at hindi namatay o nasira ang kanyang mata kundi naging buhay na buhay.

Nagpapatuloy na buhay iyon at inaasahang anomang araw, makakikita na rin siya.

Prosthetic na rin ang kanyang isang braso dahil nga sa pagkakakuryente.

Nang operahan siya sa mata, pinasukan siya ng stem cell mula sa utak ng buto ng donor upang maayos ang retina ng mata.

PAANO KAYA SA PINAS?

Wala pang nababalitaan sa Pinas na nagsagawa ng eye transplant pero meron na sa puso, kidney at iba pa.

At meron na rin yata para sa transgender o pagpapalit ng sex mula sa lalaki patungong babae o kabaligtaran nito.

Yung face transplant kaya na kasama ang mata?

Kung meron man, parang hindi kalahati o buo kundi parte-parte lang ang pinapalitan at tinatawag itong plastic surgery upang maiba ang itsura ng isang tao.

Sa ginawa kay James na kalahati ng kanyang ilong at bunganga ang pinalitan, makaraan ang isang taon, nakaaamoy at nakakain na siya.

Hinihintay na nga lang na makakita ito.

Pero para kay James, kahit hindi siya makakita, sapat na sa kanya na nabuhay siya ngayon nang normal.

At tinanggap niya ang operasyon bilang panimula upang ang susunod na mga pasyente, makakikita na sila.

Maging hamon sa mga doktor sa Pinas ang kaso ni James.

Kailan kaya magsimulang mangarap at kumilos ang mga Pinoy doktor para magkaroon ng kakayahan at tekonolohiya para sa pagpapalit ng mata?

May 500,000 Pinoy na bulag at naghihintay ng kasagutan.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here