MANILA, Philippines – Idineklara na ang Baybay City sa Leyte bilang malaya na sa New People’s Army at ngayon ay nasa Stable Internal Peace and Security Condition na.
Ang deklarasyon ay kasunod ng ulat na wala nang namataan na mga rebelde sa lugar sa loob ng dalawang taon.
Nagpasalamat si Baybay City Mayor Jose Carlos Cari, chairman ng City Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sa mga stakeholder na tumulong para makamit ang SIPSC.
Ani Cari, ang tagumpay na ito ay magbibigay-daan sa pag-unlad ng lungsod at mas maayos na kalidad ng buhay para sa mga mamamayan nila.
Pinuri naman ni Brig. Gen. Noel Vestuir, 802nd Infantry (Peerless) Brigade chief, ang lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder para sa kanilang suporta at pagsisiguro na maabot ang mapayapa at ligtas na komunidad.
“The declaration of Baybay City as a stable internal peace and security condition city signified our hard-earned victory of winning the peace in which some of us offered the ultimate sacrifice to achieve.”
Aniya, ang SIPSC ay simula pa lamang ng mas maayos na bukas ng mga residente ng Baybay City. RNT/JGC