Home NATIONWIDE NPA wala nang aktibong guerilla front – NTF-ELCAC

NPA wala nang aktibong guerilla front – NTF-ELCAC

Manila, Philippines- Ipinagmalaki ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict na wala nang aktibong guerilla front ang New People’s Army sa lahat ng rehiyon ng bansa sa pagpasok ng bagong taon.

Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Executive Director Usec Ernesto Torres, Jr. sa pulong balitaan kamakalawa.

Ayon kay Usec. Torres, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang gagawing clearing efforts ng NTF-ELCAC sa mga brgy. na dating nasa ilalim ng impluwensya ng mga teroristang komunista sa pamamagitan ng Barangay Development Program.

Sinabi ni Usec. Torres, na ang bawat benipisyaryong barangay ay makatatanggap ng tig-2.5 milyong pisong halaga ng mga development project.

Sa kabuuang mayroong 864 barangay ang tinukoy na benepisyaryo ng mga proyekto sa ilalim ng BDP.

Sa kabilang banda, nagbabala naman si National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na ‘di pa rin dapat makampante ang lahat dahil kaiba pa rin ang ipinahahayag ng CPP-NPA-NDF na taliwas sa isinasaad ng mga ito sa joint communique noong November 23, 2023 sa Oslo, Norway.

“While the NSC and NTF-ELCAC are hopeful and optimistic of the exploratory talks, we can’t turn a blind eye to the CPP’s anniversary statement,” ang sabi ni Malaya sa bagong NTF-ELCAC na pulong balitaan na ngayon ay tinatawag nang “FAQcheck: Nothing but the truth” sa dati nitong “Tagged Reloaded: Debunking lies by telling the truth.”

Pagdidiin ni Malaya, ang Council at ang Task Force “is one with the entire Philippine government in supporting the exploratory talks with the NDF as provided in the joint communique of November 23, 2023 in Oslo, Norway.”

Dagdag pa ni Malaya, parte ng napagkasunduan ay ang pag-abando o pagtalikod ng CPP-NPA-NDF sa armed struggle ng mga ito, at maging political movement na lamang ito upang makatuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran.

Aniya, pangunahing layunin ng Administrasyong Marcos na pigilan ang pagdanak pa ng dugo at agkadira ng maraming buhay dahil sa maling paniniwala o’ “Maoist-inspired protracted war being waged by the NPA.”

“We are extremely disappointed and perplexed by the CPP’s latest statement calling all its cadres and committees to double down on its commitment to further advance its revolutionary armed struggle,” pahayag ni Malaya. RNT

Previous article#WalangPasok sa Jan. 9 para sa Kapistahan ng Poong Nazareno
Next article3-time Thai champ Supreme VC tibag sa La Salle Lady Spikers