Home NATIONWIDE #WalangPasok sa Jan. 9 para sa Kapistahan ng Poong Nazareno

#WalangPasok sa Jan. 9 para sa Kapistahan ng Poong Nazareno

MANILA, Philippines- Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Enero 9, araw ng Lunes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno o Itim na Nazareno.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ang nakasaad sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, Enero 4, 2024.

Ang Lungsod ng Maynila ay magdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ang Itim na Nazareno na kilala rin bilang Poong Hesus Nazareno ay ang ga-taong imahen ni Hesus na may pasan-pasang krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, Pilipinas mula pa noong 1787.

Ito ay gawa sa maitim na kahoy at nakabihis ng maroon.

Sinasabing nasunog ito sa sinasakyan nito patungong Maynila ngunit walang katiyakan ang sanhi ng itim nitong kulay at pawang mga pagpapalagay lamang, at noong nagkaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naputol ang totoong kamay nito sa kanan na ngayon ay itinago ito sa loob ng simbahan. Kris Jose

Previous articleTINGNAN: Listahan ng long weekeneds ngayong 2024
Next articleNPA wala nang aktibong guerilla front – NTF-ELCAC