MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na planuhing mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024.
“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram.
“Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon,” dagdag na wika ng Pangulo.
Narito ang listahan ng long weekends:
March 28 (Maundy Thursday), 29 (Good Friday), 30 (Black Saturday) at 31 (Easter Sunday)
August 24 (Sabado), 25 (Linggo) at 26 (National Heroes Day)
November 1 (All Saints’ Day), 2 (All Souls’ Day) at 3 (Linggo)
December 28 (Sabado), 29 (Linggo), 30 (Rizal Day) at 31 (Huling araw ng Taon, isang special non-working day)
Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon ay ipinalabas ng Malakanyang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2024.
Ang listahan ng regular holidays ay nakasaad sa ilalim ng Proclamation 368 na may petssang Oktubre 11, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kung saan idineklara ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod:
January 1 – New Year’s Day
March 28 – Maundy Thursday
March 29 – Good Friday
April 9 – Araw ng Kagitingan
May 1 – Labor Day
June 12 – Independence Day
August 26 – National Heroes Day (Huling Lunes ng Agosto )
November 30 – Bonifacio Day
December 25 – Christmas Day
December 30 – Rizal Day






