Home NATIONWIDE NPC election matagumpay

NPC election matagumpay

MANILA, Philippines- Naging matagumpay at maayos ang naging halalan para sa mga bagong opisyal ng National Press Club nitong Mayo 5.

Wagi pa rin ang Press Freedom Party kung saan mula sa kanilang hanay ay dalawa lamang ang hindi pinalad na makapasok sa mga bagong halal na opisyal.

Vice President- Benny Antiporda (191)

Secretary- Tina Maralit (188)

Treasurer- Mina Navarro (195)

Auditor- Lydia Bueno (193)

Nanguna naman sa 10 pumasok na director si Aya Yupamgco na nakakuha ng 191 boto.

Pasok din sina Alvin Murcia na nakakuha ng 175 votes; Benedict Abaygar na nakakuha ng 169 votes; ; Gina Mape,167; Madz Dominguez,166; Eduardo Reyes Jr, 160; Jeane Lacorte at Jun Mendoza na kapwa nakakuha ng 158 votes; Dennis Napule, 145 at humabol sa ika-10 pwesto si Atty. Ferdinand Topacio na nakakuha ng 144 votes.

Sa mga bagong halal na kandidato, kabilang sa mga first timer na nanalo sina Reyes at Napule mula sa Press Freedom Party habang Independent sina Mape at Topacio.

Nagmistulang fiesta sa NPC ground dahil sa dami ng pagkain, souvenirs bukod sa mga naglalakihang mga tarpaulin ng mga kandidato.

Bago ang halalan, bandang ala-1 ng hapon ay nagsagawa muna ng General Assembly.

May inilaang mga air-conditioned tent para sa mga senior at persons with disability kung saan maari silang maghintay at bumoto.

Natapos ang NPC election ganap na alas-5 ng hapon at agad na isinagawa ang bilangan ng boto mula sa tatlong ballot box.

Samantala, binabati naman ng Manila Police District Press Corps at Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang mga bagong halal na opisyales ng NPC lalo na para sa kanilang mga kasamahan at miyembro na sina Reyes, Yupangco at Mape sa kanilang tagumpay.

Nagpasalamat din ang mga bagong halal na mga opisyal ng NPC sa mga miyembro na nagbigay sa kanila ng walang sawang suporta. Jocelyn Tabangcura-Domenden)