Pinangunahan ni Senate President Francis Escudero ang pagbubukas ng 3rd Regular Session ng 19th Congress na dinaluhan ng lahat ng 22 miyembro ng Senado.Ang mga ito ay magtutungo sa Kongreso para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong hapon ng Lunes, Hulyo 22, 2024.Larawan kuha ni Cesar Morales
MANILA, Philippines – Base sa hindi mga opisyal na resulta ng Eleksyon 2025, inaasahang paghaharian ng mga independent senators at miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang 20th Congress ng Senado.
Kabilang sa mga NPC members sa Senado ay sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Loren Legarda, Sherwin Gatchalian, JV Ejercito, at ang mga posibleng mahalal na sina Vicente “Tito” Sotto III, at Lito Lapid.
Kasama rin sa Senado ang anim na independent senators, tulad nina Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, at Joel Villanueva. Kung maiproklama si Panfilo “Ping” Lacson at Rodante Marcoleta, madadagdagan ang bilang ng independent bloc.
Ang natitirang mga senador ay manggagaling mula sa iba’t ibang partido tulad ng Nacionalista Party, PDP-Laban, Lakas-CMD, Akbayan, Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino, Liberal Party, at Pwersa ng Masang Pilipino. RNT