MANILA, Philippines – Pinuna ng Bayan Muna ang sistema ng party-list, na ayon sa kanila ay lubos nang nakontrata at pinaghaharian ng mga political dynasty, at mga milyunaryo.
Ang grupong ito na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa at kapakanan ng mga konsyumer, ay nagmungkahi na ang sistemang dati ay para sa mga marginalisado, ay ngayon ginagamit upang manipulahin ang mga resulta ng halalan.
“The party-list system, once envisioned as a mechanism to give voice to the marginalized, has now been thoroughly corrupted,” ayon sa pahayag ng Bayan Muna.
“It has become the playground of the elite, dominated by political dynasties, billionaires, and bureaucrats who exploit government programs like AICS, TUPAD, and AKAP to buy votes and manipulate the outcome of the elections,” dagdag pa ng grupo.
“This is a betrayal of the spirit of the party-list law and the very principles of participatory democracy,” ayon pa sa Bayan Muna.
Bagaman hindi muling nakakuha ng pwesto sa Mababang Kapulungan sa Eleksyon 2025, nangako ang Bayan Muna na ipagpatuloy ang kanilang laban para sa masa.
Tinukoy din nila ang mga problema sa automated election system at ang red-tagging bilang mga salik sa kanilang pagkatalo.
Sa 0.39% ng kabuuang boto, hindi nakuha ng Bayan Muna ang isang upuan alinsunod sa Party-list System Act.
Gayunpaman, iginiit ng Bayan Muna na magpapatuloy sila sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino at sa kanilang pangako na ipaglaban ang lupa, sahod, mga karapatan, at katarungan, sa loob at labas ng Kongreso. RNT