MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo ng National Press Club of the Philippines (NPC), naghandog ito ng libreng legal at medical assistance para sa mga mamamahayag at residente ng lungsod.
Isinagawa ang aktibidad ngayong araw sa NPC Building, Intramuros, Maynila.
Pinangunahan ito ni NPC President Boying Abasola, kasama ang mga opisyal ng organisasyon, katuwang ang Manila Health Department at ang Yakap ng PhilHealth Program.
Higit 100 katao ang nakinabang sa libreng medical services tulad ng blood test, X-ray, check-up, libreng gamot, vitamins, pneumonia vaccine, at ECG, habang nagkaroon din ng libreng legal assistance at Kadiwa store para sa publiko.
Sa gabi ay idaraos ang main anniversary program na may temang “Preserving Legacy @ 73,” kung saan pararangalan ang mga media groups at mga tagasuporta ng NPC.
Magsisilbing panauhing pandangal sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chie Attienza, at PCO Secretary Dave Gomez. JAY Reyes