Home NATIONWIDE NPC nagsalita na sa pag-aresto kay Jay Sonza

NPC nagsalita na sa pag-aresto kay Jay Sonza

100
0

MANILA, Philippines – Nagsalita na rin ang National Press Club (NPC) tungkol sa pag-aresto ng NBI sa dating broadcaster na si Jay Sonza.

Sa isang assembly meeting sa NPC headquarters bago ang botohan ng mga bagong opisyales , kinwestyon ni NPC Vice President Benny Antiporda ang basehan ng “no bail” na parusa sa kaso ni Sonza, na itinuturing niyang masyadong mabigat.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi ipagtatanggol ng NPC si Sonza sa isyu ng pagpapakalat ng fake news sa social media.

Si Sonza ay inaresto ng NBI noong Abril 30, 2026 sa Quezon City dahil sa kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, kaugnay sa umano’y maling medical information tungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang kaso ay nag-ugat sa cyberlibel complaints na isinampa noong Pebrero, matapos ang pagpapakalat ng pekeng dokumento tungkol sa kalusugan ng pangulo. Ayon sa NBI, ang offense ay “not bailable” batay sa warrant ng Pasay City RTC.

Bukod dito, mainit ding pinag-usapan sa NPC assembly kung dapat bang isama sa accreditation ang mga dating journalist na aktibo na ngayon sa vlogging.

Ang isyung ito ay patuloy na tinatalakay habang nagbubukas ang botohan para sa mga bagong opisyal ng NPC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here