MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa lahat ng miyembro ng media na manatiling mapagmatyag upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad kasabay ng paggunita sa ika-15 taon ng Maguindanao Massacre.
Ang brutal na pagpaslang sa 58 katao, na kinabibilangan ng 32 mediamen, sa hindi malilimutang araw na iyon noong 2009 ay iniukit na sa kasaysayan bilang isa sa pinakamadilim na araw para sa mga mamamahayag. At habang mayroon nang mga hinatulan, ang NPC ay hindi titigil sa pagiging nangunguna sa paglaban upang makuha ang buong hustisya para sa ating mga nasawing kasamahan at kanilang mga pamilya.