Home NATIONWIDE NSC sa babala ni Sen. Imee: Walang Chinese hypersonic missile threat

NSC sa babala ni Sen. Imee: Walang Chinese hypersonic missile threat

MINALIIT ng National Security Council (NSC) ang sinabi ni Senator Imee Marcos sa umano’y plano ng Tsina na gumamit ng hypersonic missiles laban sa mga base military sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang katuwiran ng NSC, wala silang nakikitang “ threat of any imminent attack” mula sa Tsina.

“We will reach out to Senator Imee to get more information about her statement because we are not aware of any of the security threats she mentioned,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

Ani Malaya, muling pinagtibay ng Pilipinas at Tsina ang kanilang commitment na “deescalating tensions in the West (Philippine) Sea” sa isinagawang 9th Bilateral Consultation Meeting, araw ng Martes.

“There was also substantial progress on developing measures to manage the situation at the West Philippine Sea, including improving maritime communications,” aniya pa rin.

“The PH and PRC (People’s Republic of China) maintain cordial relations and are committed to managing whatever differences there may be, thus, we see no threat of any imminent attack from the PRC,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, nagpahayag ng pagkabahala Senador Marcos sa umano’y plano ng China na gumamit ng hypersonic missiles laban sa mga base military sa ilalim ng EDCA ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ng Senate Foreign Relations Committee chair na target ng hypersonic missiles na ito ang iba’t ibang EDCA sites sa bansa.

“Dahil sa tingin ng Tsina, talagang kumampi na tayo sa kalaban nila… May nakita ako na plano ng Tsina na gagamitin yung hypersonic missile… Ang plano air, ang plano ay yung hypersonic missile at nakatakda na yung 25 na target nila,” pahayag ni Senador Marcos sa video na inilabas sa kanyang Facebook page.

Samantala, makikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa senador para makakuha ng mas marami pang detalye rito. Kris Jose