Home NATIONWIDE NTSC call center hub binuksan para sa 2025 elections

NTSC call center hub binuksan para sa 2025 elections

MANILA, Philippines – Binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang National technical Support Center (NTSC), ang call center hub na tatanggap ng mga katanungan at alalahain para sa halalan 2025.

Ayon sa Comelec, humigit-kumulang 900 personnel ang na-hire para magbigay ng technical at non-technical support sa NTSC.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa isinagawang walkthrough sa bagong pasilidad na dapat lahat ng presinto, paaralan, canvassing centers, at repair hubs ng komisyon ay matatanggap at malalaman dito.

Ayon kay Garcia, dapat masasagot ang isang tawag sa loob ng limang segundo, ayon na rin sa nakalagay sa protocol.

Magsisilbi ring monitoring center ang pasilidad para sa online voting at counting ssytem para sa overseas voters.

Sinabi ng Comelec na humigit-kumulang 36,000 overseas Filipino workers ang nakapag-enroll na para sa pre-voting enrollment ssytem para sa Eleksyon 2025.

Mayroon namang 69.6 milyong botante para sa May election at sa bilang na ito, 68.4 milyon ang nasa bansa habang 1.2 milyon ang overseas voters. Jocelyn Tabangcura-Domenden