Home NATIONWIDE Supply agreements sa pagbili ng COVID vaccines, ipinalalantad

Supply agreements sa pagbili ng COVID vaccines, ipinalalantad

MANILA, Philippines – Inihain sa Korte Suprema ang petisyun para maipalabas ang kopya at detalye ng pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19 ng administrasyong Duterte.

Sa inihain na Petition for Certiorari and Mandamus nina dating Solicitor General Jose Anselmo Cadiz at isa pang abugado, hiniling nila na atasan ng Supreme Court ang ilang opisina ng pamahalaan na ilantad ang mga naging kasunduan sa pagbili ng vaccine supply sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Simabi ng mga petitioner na sa panahon ng Duterte administration, hindi nilabas ng Department of Health, Department of Finance, Department of Budget and Management at Commission on Audit ang mga kopya at detalye ng Supply Agreements na pinasok ng gobyerno sa pagbili ng mga bakuna.

Iginiit ng mga petitioner na ang hindi paglantad ng nilagdaan na kasunduan ay iligal dahil labag ito sa right to information ng publiko. Teresa Tavares